Pagbuo at Balidasyon ng mga Talasanayang Ginamitan ng Estratehiyang Improvisasyon Sa Pagtuturo Ng Filipino 11
DOI:
https://doi.org/10.5281/zenodo.20115283Keywords:
Talasanayan, Improvisasyon, Balidasyon, Kabisaan, 4D ModelAbstract
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagbuo at pagbabalidasyon ng mga talasanayang naglalapat ng estratehiyang improvisasyon para sa asignaturang Filipino 11, bilang tugon sa naitalang pag-urong ng kasanayang pasalita at sa kakulangan ng inobatibong kagamitang panturo na umaayon sa binagong kurikulum ng Mabisang Komunikasyon. Gumamit ang pag-aaral ng disenyong Research and Development (R&D) at ng Modelong 4D (Define–Design–Develop–Disseminate) ni Thiagarajan upang matiyak ang sistematiko at ebidensiyang batay na proseso ng pagdidisenyo ng materyal. Ang mga datos ay kinalap mula sa 60 guro ng Filipino sa Senior High School mula sa Tarlac, Nueva Ecija, at Katimugang Leyte sa pamamagitan ng talatanungang sumusuri sa (a) mga gawain sa pagsasalita, (b) kasalukuyang kagamitang ginagamit, at (c) antas ng hamon at pangangailangan sa silid-aralan; samantala, ang nabuong talasanayan ay sinuri at inebalwasyon ng 5 eksperto sa Filipino, pedagohiya, kurikulum, at sining ng teatro batay sa kabisaan ng nilalaman, gawain, at pagtataya, gayundin sa kalidad at konsistensi.
Ipinakita ng resulta na pinakamadalas ipagawa ng mga guro ang Pangkatang Talakayan (50.0%) at Mga Improvisasyonal na Senaryo (40.0%), na nagpapahiwatig ng paglipat mula sa memoryadong pagsasalita tungo sa mas natural at kusang paggamit ng wika. Gayunman, natukoy rin ang labis na pagdepende sa PowerPoint (80.0%) at ang mababang paggamit ng audio recordings (60.0% sa kategoryang Bihira), na nagpapahiwatig ng limitasyon sa pag-iiba-iba ng midyum na maaaring mahalaga sa pagmomodelo at pagmomonitor ng aspekto ng pagbigkas. Pinagtibay rin ng mga guro na ang stage fright (40.0%) at kakulangan sa kagamitang pampagtuturo (33.3%) ang pangunahing hadlang sa paglinang at pagtataya ng kasanayang pasalita—mga natuklasang nagsilbing empirikal na batayan sa pagdidisenyo ng talasanayang nakasentro sa aktibong partisipasyon at pagbuo ng kumpiyansa.
Sa pagbabalidasyon ng mga eksperto, nakamit ng binuong talasanayan ang pangkalahatang mean na 3.66 (Lubos na Naaangkop) sa kabisaan, kung saan pinakamataas ang usability (mean = 3.69)—patunay na ang mga gawain ay praktikal at madaling isakatuparan sa antas ng guro at mag-aaral. Kapansin-pansin din ang paglitaw ng perfect mean na 3.80 sa piling gawain (hal. “Sabi nga ni Boss”/Talasanayan 14) na iniuugnay sa awtentikong paglalapat sa makatotohanang sitwasyong pangkomunikasyon. Sa aspekto ng pagtataya, nanatiling mataas ang kabisaan (mga mean na 3.63 at 3.66), na nagpapahiwatig na ang rubriks at pamantayan ay umaayon sa target na kompetensi at tumutugon sa pangangailangan para sa mas obhetibong pagmamarka; kalakip nito ang mungkahi ng mga eksperto na gumamit ng payak na wika at namamasdang indikador (hal. eye contact, lakas ng boses) upang maging malinaw ang inaasahan at maiwasan ang kalituhan ng mag-aaral. Sa antas ng pagtanggap batay sa kalidad at konsistensi, nakamit ang pangkalahatang mean na 3.53 (Lubos na Katanggap-tanggap), kung saan pinakamataas ang kaangkupan ng terminolohiya (mean = 4.00) at kalinawan ng pagkakalahad (mean = 3.80), na nagpapatunay sa teknikal at nilalamang kalidad ng instrumento.
Sa kabuuan, pinatutunayan ng pag-aaral na ang improvisasyon, kapag isinandig sa sistematikong balangkas ng 4D Model, ay mabisang estratehiyang pampagtuturo at pampagtataya na hindi lamang nagpapahusay sa pagganap sa pagsasalita kundi tumutugon din sa sikolohikal na pangangailangan ng mga mag-aaral, lalo na sa pagbawas ng kaba at sa paghahanda sa dinamikong hamon ng tunay na pakikipagtalastasan.
References
Awada, G. M. (2024). Developing students’ speaking skills through role-play and readers theatre. Journal of Lifestyle and SDGs Review, *5*(1), e03114. https://sdgsreview.org/LifestyleJournal/article/view/3114
Benito, J. (2023). Kahandaan ng guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa antas sekondarya. Global Scientific Journal, *11*(2), 2842–2867.
Berkowitz, A. (2024). You can teach improv (Yes, you!): The ultimate guide to class planning, skill building, and helping every student leave with a win. Andrew Berkowitz.
Boal, A. (2002). Games for actors and non-actors (A. Jackson, Trans.; 2nd ed.). Routledge.
Borong, N. L., & Legaspi, M. (2022). Paggamit ng makabagong panulaan sa kasanayang pasalita ng mga mag-aaral sa senior high school. International Multilingual Journal of Science and Technology, *7*(11), 503–516. http://imjst.org/vol-7-issue-11-november-2022/
Catbagan, F. C. P. (2023). Pagbuo at balidasyon ng mga bidyu aralin sa Filipino 7. International Journal of Advance Multidisciplinary Studies, *3*(6), 386–404. https://www.ijams-bbp.net/wp-content/uploads/2023/07/1-IJAMS-JUNE-2023-386-404.pdf
Chentez, K. J. R., Felicilda, J. V., Jr., Felisilda, A. R., & Tabañag, R. E. (2019). Common problems in oral communication skills among high school students. SMCC Higher Education Research Journal, *1*(1), 69–82.
Culla-ag, J. C., Cosente, G. T., Chadya-as, B. P., Dirampaten, N. U., & Eguia, M. L. G. (2025). Mga hamon sa epektibong paggamit ng wikang Filipino sa pagsasalita. Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies, *5*(1).
Department of Education. (2021, February 24). On quality control mechanism of learning materials. https://www.deped.gov.ph/2021/02/24/on-quality-control-mechanism-of-learning-materials/
Dicang, V. J. P., & Molina, H. B. (2023). Mga hamong kinakaharap ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino sa makrong kasanayan sa pagsasalita. Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies, *3*(12), 161–175. https://doi.org/10.47760/cognizance.2023.v03i12.014
Dionela-Servo, P. G. (2024). Pagbuo at pagbalida ng modyul sa pagtuturo ng pananaliksik sa Senior High School. Hasaan, VII, 89–106. https://hasaan.ust.edu.ph/wp-content/uploads/2024/08/06-Hasaan-Tomo-VII-Dionela-Servo.pdf
Enriquez, R., Evora, D., & Garga, H. (2020). "To speak or not to speak": Exploring English oral communication apprehensions among students. E-Saliksik DepEd Research Journal. https://e-saliksik.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2022/03/MIMAROPA_2020_Enriquez-et-al_To-Speak-or-Not-to-Speak-Exploring-English-Oral-Communication-Apprehensions-among-Students-2.pdf
Erickson, K. (2019). Improvisation as a communicative tool in second-language learning [Master's thesis, St. Catherine University]. SOPHIA. https://sophia.stkate.edu/maed/
Estera, J. D., & Susan, J. S. (2022). Balidasyon ng MELC-based learning activity sheets sa Filipino sa piling larang akademik. Puissant, *3*, 366–380. https://www.academia.edu/118556475/Balidasyon_Ng_MELC_based_Learning_Activity_Sheets_sa_Filipino_sa_Piling_Larang_Akademik
Florea, M. (2011). Using improvisational exercises for increasing speaking and listening skills. Scientific Bulletin of the Politehnica University of Timişoara, Transactions on Modern Languages and Literatures, *10*(1), 53–58.
Gaspar, W. G. (n.d.). Mga larong improv. Philippine Educational Theater Association (PETA).
Güzel, M. Ç. (2017). Developing oral proficiency and motivation through script-based and improvisational drama [Master's thesis, California State University, San Bernardino]. CSUSB ScholarWorks. https://scholarworks.lib.csusb.edu/etd/611/
Huerto, M. D., & Espinosa, M. J. (n.d.). Worksheets: Inobatibong kagamitang pampagtuturo sa pagtatasa ng kasanayan sa pagkatuto ng Filipino 7. CRISP Research Journal, 126. [Missing volume/issue]
Jagodowski, T. J., Pasquesi, D., & Victor, P. (2015). Improvisation at the speed of life: The TJ and Dave book. Solo Roma.
Johnstone, K. (1999). Improv for storytellers. Faber and Faber.
Lopez, R. A. (2024). Paglinang sa kasanayang pasalita ng mga mag-aaral sa Baitang 10: Isang suplementaryong kagamitan. International Multilingual Journal of Science and Technology, *9*(3), 205–215.
Mercado, G. (2025, September 16). Why there are rules in improv, according to Gabe Mercado. The Freeman. https://www.philstar.com/the-freeman/cebu-entertainment/2025/09/16/2473177/why-there-are-rules-improv-according-gabe-mercado
Muhammad, N. F. A., Zolkipli, A., & Abdul, W. A. (2021). Theatre in education: The implementation of improvisation in dialogue pronunciation technique in teaching. International Journal of Academic Research in Business and Social Sciences, *11*(8), 726–735. https://dx.doi.org/10.6007/IJARBSS/v11-i8/10772
Noval, A. T. (2024). Development and validation of a Self-Learning Module on Verbal and Nonverbal Communication in Filipino for tertiary. Pakistan Journal of Life and Social Sciences, *22*(2). https://doi.org/10.57239/pjlss-2024-22.2.001138
Puray, C. P., Eguia, M. L. G., & Lopez, P. M. (2025). Kasanayang pasalita sa Filipino ng mga mag-aaral sa Good News Academy Inc., Baguio City. Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies, *5*(1), 48–57. https://doi.org/10.47760/cognizance.2025.v05i01.004
Rahmadhanti, S., & Sukistyani, R. (2025). Exploring the role of theatre in enhancing vocabulary acquisition: A conceptual analysis. Journal of English Language and Education, *10*(1)
Salinsky, T., & Frances-White, D. (2017). The improv handbook: The ultimate guide to improvising in comedy, theatre, and beyond (2nd ed.). Bloomsbury Methuen Drama.
Santos, M., & Matic, R. (2023). Challenges in instructional materials at public schools. International Journal of Innovative Research and Scientific Studies, *6*(4), 849–855. https://ijirss.com/index.php/ijirss/article/view/2059
Spragge, A. M., & Eichler, K. L. (2017). The 5 elements of improv: Story, environment, trust, focus, showmanship. Defiant Monkey Improv.
Tolete, H. E., & Zamora, N. C. L. (2023). Pagtataya ng kasanayan sa pagsasalita at pagsulat ng mga mag-aaral sa junior high school: Batayan sa pagbuo ng mapa ng pag-unlad ng pagkatuto. International Multilingual Journal of Science and Technology, *8*(10).
Tournaire, M.-P. (2024). Yes and…: Improv to improve your English skills. Études en didactique des langues, *42*, 93–103. https://hal.science/hal-04714668
Varquez, P. O. (2025). Pedagohiya at hamon sa pagtuturo ng Filipino: Isang paglalahad ng mga karanasan at estratehiya ng mga guro sa Filipino sa mga kursong teknikal. International Journal of Advanced Multidisciplinary Studies, *5*(8), 410–423. https://www.ijams-bbp.net/
Zondag, F., van Besouw, N., & van den Belt, A. (2020). The influence of improvisation activities on speaking confidence of EFL student teachers. Nordisk tidsskrift for utdanning og praksis, *14*(2), 81–101. https://doi.org/10.23865/up.v14.1879
Downloads
Published
Issue
Section
License

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.